Welcome to my blog :))

Tuesday, May 22, 2012

Pagtuklas sa Sarili 2: Ang Transfer Student

Tatlong linggo rin ang lumipas since nagsimula ang aking pag-aaral. Parang wala rin namang nagbago ang takbo ng buhay ko sa paaralan ever since nagsimula ako sa paaralang ito dahil pare-pareho rin naman ang mga kaklase ko: ang palaging kasama sina Rose at ang kanyang mga kaibigan, ang nakikipag-bonding minsan kina Ken at John, at ang panay na tukso sa akin ni Jose at ng kanyang barkada. Ang nag-iba lang talaga ay ang mga guro at ang kanilang tinuturo sa amin.

Isang araw, pagkahatid sa akin ni tito sa school, di na ako nagtaka kung naghihintay na sina Rose.

"Sige po tito, kami na bahala kay Jerome." mala-babaeng tinig na sinabi ni Louis.

Umalis rin agad si tito para ihatid ang kanyang mga anak.

Habang papalakad kami papuntang room ay may napansin kaming student na may kakaibang uniform sa aming guidance center.  Di rin natigilan ng mga kasama ko na masulyapan ng mabuti ang bata. Alam ko na kinikilig sila lalo na si Louis dahil halata naman ang kagwapuhan ng batang ito. Bagay ang porma ng buhok nya sa hugis ng ulo nya, napakaamo ng mukha nito at maputi ang kanyang balat.

Habang panay pa rin ang titig nila sa iniisip naming bagong estudyante, ako naman ay na-OP(out of place). Di nagtagal ay nagsalita na ako.

"Ate Rose, punta na tayo sa room at baka ma-late pa tayo eh." sabi ko sa kanya habang sumisilip pa rin silang lahat sa transferee.


Siguro narinig ako nitong bagong estudyante dahil napatingin ito sa amin pagkatapos kong magsalita. Bigla naman nagsi-alis ang mga kasama ko sa pinto at ako nalang mismo ang naiwan dahil di ko naman inexpect ang reaksyon nila (natatawa talaga ako twing na-aalaka ko ito..xD). Tiningnan ko mga kasama ko at nakatitig silang lahat sa akin na parang na-asar.

"Yun lang naman pala eh para umalis na kami." sabi ko sa isipan.

Tumingin ako ulit sa loob para tingnan ang reaksyon ng estudyante. Nakita ko na nakatitig rin ito sa akin. Nagngitian nalang kaming dalawa dahil sa tingin ko ay parang natawa rin siya sa reaksyon ng mga kasama ko. Di nagtagal ay umalis na rin ako sa pinto at pumunta sa mga kasama ko, at kami ay naglakad na patungo sa room.

"Bad trip ka naman Jerome, nahiya talaga kami doon ha." sabi ni Brenda, "Pero guys napakagwapo talaga yung baguhan."

"Oo nga, kahit kasing-liit nitong alaga natin, parang bagay rin sa mukha nya ang height nya" sabi ni Anne sabay turo sa akin.

"May bago nang kalaban itong si bunsoy ah. Mabuti na rin yan para di ka na masyado kulitin ni Louis" sabi ni Carla.

"Na-iimagine ko tuloy na pinag-aagawan nila ako." sabi ni Louis sabay tawa naming lahat.

"Sana classmate natin siya pero parang malabo kasi parang si Jerome ang height and age niya eh unless two years rin siya accelerated kagaya nitong alaga natin." sabi ni Rose.

"Okay lang eh nandito naman siya sa school natin diba." sabi ni Carla, "Teka lang nga. Bakit siya ang pinag-uusapan natin? Mahiya naman kayo kay Jerome, baka ma-insecure sya."

"At least hindi na ako ang center of attraction nyo." sabi ko nang patawa.

"Ayan tuloy nagtampo." sabi ni Carla sabay tawa.

Nakarating na rin kami sa classroom. Nakipag-apir ako kina Ken at John pagkakita ko sa kanila habang naglalaro silang dalawa. Si Jose at ang barkada nya ay wala pa sa room, so okay pa ako doon. Habang nagkukwentuhan sina Rose ay umupo na lang ako sa aking upuan at pinatong ko muna ang ulo ko sa braso ko sa arm chair dahil wala akong maisip na gawin that time. Medyo maingay rin ang silid dahil iba-iba rin ang ginagawa ng iba naming kaklase doon.

"Class, go back to your respective seats and then start our morning prayer"

Dumating na pala ang aming guro at di ko namalayan na andyan na rin sina Jose. Buti na lang at hindi nya ako napagtripan habang nagpapahinga ako. Nagsibalikan na rin ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan since na-ayos na ng aming adviser ang seat plan namin. Doon ako nakapwesto sa bandang gitna pero okay lang naman dahil wala naman akong sira sa mata at di naman ganon kataas ang mga nasa harapan ko.

Pagkatapos ng prayer ay nagsi-upuan na kami at nagsimula nang mag-lecture ang aming guro sa English. Naging okay naman ang flow ng klase nang may isang guro na dumating at tinawag ang aming guro. Alam ko na yung dumating ay ang school's GC(guidance counselor). Di namin alam kung bakit siya naroroon. Siguro may gagawing activity or siguro may pinapatawag sa aming mga estudyante.

Di nagtagal ay umalis rin ang GC at hinarap kami ng aming adviser na sa tingin ko ay may sasabihin.

"Students, I have a good news to you all," sabi ng guro.

Itong walang hiyang si Jose ay biglang sumingit sa sasabihing balita.

"Wala pong pasok?"

"Well I hope it was, but that's not what I'm about to tell you."

Tumingin bigla ang aming guro sa labas at may tinawag.

"Come on in."

Napatingin kaming lahat sa pinto.

"Class, meet your new classmate. Kindly say "hi" to him class."

"Hi!" sabi naming lahat pero mas narinig ang boses ng mga babae at lalong-lalo na si Louis.

"Hello classmates," sabi niya, "My name is Alex, 9 y/o, and I just came here last week from Manila."

Ngumiti ako ng palihim that time kasi di naman namin inexpect na magiging kaklase namin itong baguhan na ito. Natawa nalang ako sa iniisip ko na meron na akong karibal sa silid na ito pero sa tingin ko ay mas cute pa rin ako sa kanya sa aking paniniwala. Mas natawa pa ako nang ipinatabi pa siya sa akin sa gitna ng classroom pagkatapos pinalipat ng aming guro ang katabi ko sa bandang likod.

Medyo nai-ilang ako that time dahil hindi sa katabi ko, kundi sa dami ng matang nakatitig sa aming dalawa. Halatang kami ang pinag-uusapan ng mga kababaihan sa classroom pero napansin ko rin ang masamang ngiti ni Jose sa akin.

"Jerome, ikaw na magturo sa kanya ang lahat na na-miss niyang lessons para naman meron kang kausap."

Napansin rin pala ng aming guro na hindi ako masyado masalita kaya siguro pinatabi nya sa akin si Alex. Okay lang naman kasi alam kong nahihiya pa siya kasi bago nga siya dito sa school.

"Hi, I'm Alex" sabay taas ng kamay para makipagkamayan.

Di ko naman siya binigo at nakipagkamayan na rin ako.

"Hello, I'm Jerome" sabi ko.

Magaan naman ang loob ko kay Alex dahil sa tingin ko ay mabait naman siya. Sa tingin ko ay magkakasundo kami nito.

Bumalik na rin sa paglecture ang aming guro pero alam ko na yung ibang mga babae at lalung-lalo na si Louis ay pasulyap-sulyap pa rin sa amin ni Alex. Parang wala lang kay Alex ang mga ito at nakikinig lamang sa lecture habang ako naman ay parang natatawa sa aking iniisip nung na-alala ko ang sinabi ni Louis kanina.

Pagsapit ng recess ay niyaya niya ako sa canteen para pagkatapos ay ito-tour ko raw siya sa school. Nagtaka naman ako kung bakit hindi ito ginawa ng aming GC pero tumango na lang ako. Dahil alam kong nahihiya silang lumapit sa amin, pinuntahan ko muna sina Rose na nakatitig sa amin para magpaalam an hindi muna ako sasabay sa kanila.

"Ate Rose, pass muna ako sa inyo kasi niyaya ako ni Alex mag-meriyenda at saka ito-tour ko rin siya sa school eh."

"Ah sige, okay lang naman sa amin para maiba ka naman ng kasama at hindi kami puro babae."

"Basta mamaya bago tayo umuwi pakilala mo kami sa kanya ha." mahinang sabi ni Louis.

"Oo nga naman" sabi ni Carla.

"Okay, sige" sabi ko sabay balik kay Alex.

Paglabas namin ng room ay palabas rin sina Ken at John. Dahil dito ay sabay na kaming apat na pumunta ng canteen. Nilibre ako that time ni Alex para daw bayad na rin sa akin dahil ako nga naman yung tuturo sa kanyang mga na-miss na lessons. Pagkatapos ay inikot namin ang campus kasama pa rin sina Ken at John.

For the first time ay nagkaroon ako ng ibang kasama dahil most of the time sina Rose lamang ang kasama ko. Naging masaya rin ang aming pag-iikot. Marunong rin kasi itong si Alex magpatawa kaya di kami na-bore sa pag-tour sa kanya. Parang kami pa nga ang tinu-tour niya eh. Masayang kasama si Alex sa unang araw niya sa doon kaya parang naging malapit kaming apat. Kahit nag-uusap naman kami nina Ken at John ay naging mas tumindi pa ang samahan namin sa maikling oras na iyon dahil na rin kay Alex. Siguro nga baka ito na ang simula ng bagong grupo sa loob ng amin silid.

Bumalik na kami sa room para magpatuloy sa klase. Nahalata na rin nina Rose na parang masalita ako that time sa mga kasama ko hanggan sa natapos na rin ang klase. Nang pauwi na kami ay lumapit sa akin si Alex, Ken at John.

"Mga tol sabay na tayo umuwi." sabi ni Alex.

"Alam mo nasa isip ko ah. Iyan rin nga gusto ko mangyari kaya lumapit ako." sabi ni John.

"Sinusundo ako ng tito ko eh, pero pakiusapan ko na lang siguro at baka pwede nya rin kayo ihatid." sabi ko.

Okay naman sila sa sinabi ko.

"Kung okay lang sa inyo sabayan natin sina ate Rose kasi ang alam ni tito sila palagi kasama ko habang hinihintay ko siya."

"Sige, maganda rin yun para naman may mga babae tayong kasama" pagsang-ayon ni Alex. Okay rin naman ito kina Ken at John.

Dahil dito napakilala ko rin ng tuluyan ang mga "nag-aalaga" sa akin sa alam kong crush nilang lahat na si Alex. Natawa rin kaming lahat nung si Louis na ang pinakilala ko sa kanya dahil parang tinutukso siya ni Alex at alam naming medyo nahihiya si Louis lalo na yung may payakap-yakap pang nalalaman itong si Alex. Sa tingin ko mas naging malapit na rin kaming lahat that time.

Naandon kaming lahat sa malapit sa gate at hinihintay namin si tito. Di naman kami naiinip dahil di maubusan ng kwento si Alex. Naging curious rin kasi kami kung ano ang buhay sa Maynila. Maya-maya ay dumating na rin si tito. Pinakausapan ko kung pwede sumama sina Ken, John at Alex. Hindi naman ako nabigo kaya lumarga na rin kaming apat sa tangkal. Hindi na rin naman kailangan alalahanin ang mga anak niya dahil inuuna talaga sila ni tito sunduin bago ako.

Medyo may kalayuan ang bahay nina Ken at John kaya sila ang inuna namin. Ang bahay ni Alex naman ay unexpecting na malapit lang sa amin dahil mga three blocks away lamang. Napatanong din si tito kung kaano-ano niya ang mayor ng aming syudad. Doon ko lang nalaman na apo pala siya ng mayor namin. Nahiya tuloy ako dahil sa tangkal pa kami nakasakay at apo siya ng may pangalan sa amin.

"Pasensya ka na kung ito lang ang sasakyan namin at di gaanong kumportable." sabi ko.

"Okay lang. Masaya naman ako dahil sa unang araw ko sa paaralan ay ang dami ko nang naging kaibigan at ikaw pa ang una sa lahat." sabi niya sabay akbay sa akin.

Nagpaalam na kami sa kanya at habang papalayo ay nag-kawayan kami.

Napaisip ako tuloy.

"I feel different today than yesterday. I don't know why but I think this is so far the best day of my life." sabi ko sa aking isipan.

"I hope magtagal pa itong samahan namin. He really made my day today."

---Itutuloy---

No comments:

Post a Comment