Welcome to my blog :))

Wednesday, May 16, 2012

Intro...

Hello guys :)

Well, this is my first post, so halatang itong araw na ito ay bago lang ako.

As you all know, ako po ay pinoy pero ako po ay mula sa South Cotabato ngunit kasalukuyang nasa amerika. I am currenlty 20 years old and  "gay" kahit may experience na rin sa babae (lalake ako sa pagkakaalam ng mga tao sa paligid ko dahil hindi pa ako handa umamin, di naman halata eh..hehehe).

About my experience sa mga babae, inaamin ko na marami rin akong gusto na mga babae lalung-lalo na mga aktres (and of course mga lalakeng actor din). To tell the truth, mayron na rin nangyari sa akin at isang babaeng minahal ko ng totoo--oo, nagka-girlfriend ako. Hindi ko na sasabihin kung kelan kami nag-break. The reason? Kasi nga may gusto ako sa lalake. Tinago ko sa kanya iyon for 6 months na naging kami dahil sa palagay ko baka mabigla siya at isipin niyang panakip butas lang siya sa "kabaklaan" ko. Then nagkaroon ako ng lakas ng loob na umamin sa kanya at may kumpyansa naman ako sa sarili ko dahil sa tingin ko ay matagal na yung 6 months para maramdaman niya na totoo yung pagmamahal ko sa kanya. But then what happened was different after telling her,

"Bago pa man kita nakilala pangs(tawagan namin-short for pangga, which is short for palangga which is in tagalog means "LOVE"), inaamin ko na mas matindi ang pagtingin ko sa lalake kasi una kong naramdaman ang pagmamahal sa lalake eh. Sorry kung ngayon ko lang ito nasabi sa iyo kasi baka isipin mo panakip butas ka lang para hindi mahalata itong nararamdaman ko sa mga katulad kong lalake. Naisip kong sabihin ito sa iyo dahil gusto ko alam mo kung sino talaga ako at kung paano mo napabago ang buhay ko dahil ikaw ang kauna-unahang babaeng minahal ko ng lubusan. Aaminin ko rin na kahit marami na akong naging boyfriend, ikaw naman ang aking KAUNA-UNAHANG GIRLFRIEND. Sana maintindihan mo ako at sana magtagal pa tayo dahil hindi ko alam ang mangyayari sa akin pag nawala ka."

It's not really accurate na 100% na ganito talaga yung sinabi ko sa kanya but i'm really sure na pareho message na pinarating ko..But unfortunately, she ended up our relationship in a "snap". Ayaw ko nang sabihin kung paano dahil ayaw ko na rin yung talaga balikan eh. Marami rin akong ginawang katarantaduhan after those, pero hindi sa ibang tao kundi sa sarili ko.. basta you'll find out what i did soon..

One more thing, hindi ko na isasali ang mga experiences ko sa babae(mapa-crush or sa "kanya") dahil i admit that i'm gay.

I made this blog kasi i felt inspired to make one. Dami ko nang nababasa na mga kwento, fact or fiction, tungkol sa "gay".

Inaamin ko, dati-rati ay libog lang talaga ang hanap ko sa pagbabasa dahil sa tagal-tagal ko nang kakanood ng "gay porn" ay nakakasawa rin. So i tried reading gay erotic stories. Siempre, imagination mo ang gumagana kaya nakakalibog rin at nakakainis pa nga kung minsan nakakabitin, which i found it a good way to keep the readers get interested more. Kaso pag matagal na masyado, minsan nalilimutan na ang past stories kaya nakakawala na ng gana paglumabas yung latest.

But the one that inspired me to make one ay yung nakabasa ako ng story na hindi puro libog lamang kundi may "feelings." Lalo na pag nakakarelate ka na di mo mapigilang umiyak.

Matagal na rin ako nagbabasa ng mga ganitong istorya, at dahil dito parang na.motivate ako gumawa ng aking sarili. Sa katunayan, hindi po ako magaling magsulat. Kung sa highschool pa ay pinaka-hate ko ang essay sa exam at yung formal theme writing sa English at Filipino. Ewan ko nga bakit pag tungkol sa libog eh parang nakaka-motivate..xD

Well guys, I made this blog dahil i want to at least express myself dahil hindi ko pa kaya ilabas ang totoong ako sa tunay na mundo. At least dito hindi ako nag-iisa. I'm free to say anything here. I feel like writing stuffs like this..

Nasa inyo na kung gusto nyo or hindi ang pinagpo-post ko but i'm doing this because of what i said before. Kung sakali man na magustuhan nyo, i got nothing to say but "Thank you" for giving your time and for having interest on my stories :)

For now, i'm thinking if I should write my story or just some fiction.. Kahit ano pa man yan, basta may masulat lang ah..hehehe

Thank you po sa inyo and i hope i could start as soon as possible :))

--end intro--

No comments:

Post a Comment