This part is just an introduction and summary of what I am before ko nalaman ang totoong ako.
Nagising ako ng mga alas-5 ng umaga sa galaw ng kama. Nakita ko ang aking lola na kakabangon lamang at agad lumabas at bumaba para magluto ng almusal. Dalawang palapag ang aming bahay at dalawang kwarto ang lamang ang naroroon sa ikalawang palapag. Sa isang kwarto natutulog ang magkakapatid ko na tito at tita at sa kwarto naman na tinutulugan ko ay kami ng aking lola ang magkasama. Meron rin dalawang kwarto sa likod ng bahay at doon nakatira ang isa ko pang tito kasama ang kanyang asawa at mga anak. Si lolo naman ay natutulog sa sala dahil kahit gabi na umuuwi ay maaga rin umaalis para magtinda sa palengke dahil yun ang trabaho nya na bumuhay sa pamilya namin bago pa man napatayo ang karinderya sa tabi ng aming bahay na hiniling ng aking lola kay lolo para meron rin pandagdag sa negosyo.
"Jerome, apo, gising ka na ba? Bangon na at unang araw mo ngayon sa school."
"Opo. Liligpitin ko lang po ang kama at bababa na po ako ako"

Alas-6 na pala ng umaga kaya agad ako nagligpit at bumaba. Nakita ko na gising na rin pala ang mga pinsan ko na naghahanda rin sa pagpasok. Hindi kami pareho ng paaralan pero pareho ang unang araw ng pasukan namin. Ako ay Grade 3 nung panahon na iyon. Ang mga pinsan ko ay sina Candy, Grade 2, at si Karl, Grade 1. Sabay na kaming tatlo na naligo at nagbihis (well bata pa kami noon kaya mga inosente pa..hehehe). Sumunod na rin ang mga tito't tita ko na nag-aaral ng kolehiyo.
"Tita Nelly, Nasaan po si Tito? Hindi po ba siya ang maghahatid sa amin?" tanong ko.
"Mama, saan si Papa?" tanong rin ni Candy habang binibihisan siya at ng kapatid niya ni tita.
"Wag kayong mag-alala. Tinulungan lang niya ang lolo nyo sa palengke at darating din yun. Alam naman niya na unang araw nyo sa paaralan."
"Ate, kuya, kakain pa tayo diba?" tanong ni Karl.
"Oo nga, excited lang kayo sa school eh." sagot ni tita at tumawa.

Doon na kami sa karinderya kumain ng almusal na niluto ni lola. Habang kumakain kami ay nagluluto doon ang mga nagtatrabaho sa karinderya ni lola--tatlong babae, isang lalake, isang bakla, at isang tomboy. Tumutulong din Bukas na rin ang aming kainan nung time na yun dahil meron na ring mga putahe na naluto na habang niluluto pa nila ang iba. Meron na rin kasi kumakain doon ng maaga dahil sikat ang kainan namin at walang kakumpitensiya nung mga panahong iyon. Pagkatapos namin kumain ay tuluyan na kaming naghanda sa mga dadalhin namin.
"O, ayan na pala tatay nyo. Bilisan nyo na at baka ma-late pa kayo." sabi ni tita.
"Sige po tita, alis na po kami." sabi ko.
"Ba-bye mama!" sabi ng magkapatid.
Hinatid kami ni tito gamit ang tangkal(yung motorsiklo na may sidecart na kulungan ng hayop) ni lolo. Una akong hinatid dahil mas malapit ang paaralan ko sa magkapatid. Ako kasi nasa private school habang nasa public school naman na medyo malayo sa siyudad ang mga pinsan ko. Suportado kasi ako ng aking ina na nasa Amerika kaya sa mamahaling paaralan ako nag-aaral. Siya pala ay umalis ng bansa mga ilang buwan pagkatapos ako isinalang. Hindi ko rin naman kilala ang aking ama dahil iniwan niya ang aking ina pagkatapos nalamang buntis siya.

Pagkadating sa paaralan ay hindi na kami nagtaka na sinusundo ako ng mga babae kong mga kaklase pagdating sa paaralan(Oo, aamin kong chickboy ako dati at hindi naman sa mayabang ako pero talaga namang cute ako :D). Ganito na talaga sila since Grade 1 ako at the age of 5 dahil hindi na ako pumasok sa kinder-2 at kaya ko daw kasi ang level na iyon. Also, so far ay hindi ako umalis sa first section those times. Ako rin nga pala ang pinakamaliit at pinakabata sa batch namin.
"O mga girls, bantayin nyo mabuti ang pamangkin ko ha. Wag nyo rin sana lunurin yan sa halik at baka hindi na yan makalabas ng buhay kundi lagot kayo sa akin." paalala ni tito sa mga babae at saka sila nagtawanan.
"Don't worry tito, tuturuan namin namin siyang lumangoy." sagot ng kaklase kong si Rose na alam kong pinaka-protective sa kanilang lahat sa akin.
Pagkatapos ay umalis na rin si tito para ihatid ang mga pinsan ko.
Lima silang babae ang sumundo sa akin that time. But technically apat lang sila dahil ang isa ay ang bading naming kaklase na si Louis. Sobra pa sa babae kumilos itong si Louis. Pakembot-kembot habang naglalakad at ang boses nito habang nagsasalita ay halatang-halata na bakla. That time ay inosente pa kasi ako kaya wala akong pakialam kung sino ang sinasamahan ko.
"Jerome, I miss you." sabi ni Louis sabay kurot sa aking pisngi.
"Ang cute2x talaga ng boyfriend natin girls." sabi ni Anne sa mga kasama nito.
"Anong atin? Sa akin lang yan, diba Jerome?" tanong sa akin ni Brenda.
"Hoy! Tumigil nga kayo diyan. Gusto nyo kasuhan ko kayo ng child abuse?" sabi ni Carla.
"Ano ba kayo, para hindi nyo na ako pag-awayan, kay Louis na lang ako. Siya lang kaya ang naglambing sa akin." biro ko sa kanila.
Tumawa lang kami lahat pero alam kong medyo namula si Louis sa sinabi ko pero di ko na iyon pinansin.
"Bilisan na lang nga natin at baka mahuli tayo sa klase. Je, magkaklase pa rin tayo kasi tiningnan ko na yung bulletin board at nakita ko yung pangalan mo kasama namin." sabi ni Rose.
Si Rose talaga yung maasikaso sa kanila pagdating sa akin. Di na rin ako nagtataka dahil parang kapatid na ang turingan namin dahil magpinsan ang nanay ko at ang tatay nya.
Nakarating na rin ako kami sa classroom namin at nakita ko pa ang iba kong mga kaklase. Di na rin ako magtataka na lumapit ang iba kong mga kaklaseng babae( kasi nga cute ako..xD). Ang mga lalakeng kaklase naman ay may mga sariling ginagawa kasa ang mga kaibigan din nila. Si Louis lang pala sa klase namin ang naiiba during that time. Hindi rin maiwasan minsan ang pagtingin ng masama sa akin ng ibang mga lalake dahil halatang naiingit sa akin dahil nga malapit sa akin ang mga babae.
Maya-maya ay dumating na ang aming guro.
"Class, maghanap na kayo ng inyong upuan for now at sa sunod ko na kayo aayusin."
Hindi na ako nagdalawang isip na umupo sa harap dahil nga sa maliit ako at active talaga ako sa klase. Pero halos lahat na mga babae ay naupo rin sa harap. Karamihan naman sa mga lalake na hindi masyado mahilig mag-recite ay nasa likod umupo.
Dahil nga first day ay halos pakilala sa sarili ang ginawa namin buong umaga. During recess ay ang mga sumundo pa rin sa akin ang kasama ko. Alagang-alaga talaga ako ni Rose dahil siya na ang bumili ng mga gusto kong bilhin.
"Ate Rose, yung sandwich at juice po yung aking ha." sabi ko.
"Okay, hintay ka lang dito at pipila lang kami." sabi pila nila lahat para bumili.
"Sige po, hintay na lang po ako sa classroom."
"Okay."
Bumalik nga ako sa room para naman maiba at makisama sa iba kong mga kaklase. Pagdating sa room ay nakita ko sina Ken at John na naglalaro ng teks. Si John ay talagang malaki para sa isang grade 3 student. Hindi nga halata na grade 3 pa lang kasi ang tanggad at medyo mataba ang katawan. Si Ken naman ay mataas rin pero di kasing taas ni John. Payat at mas maputi kaysa kay John. Alam kong mag-bestfriend ang dalawang ito dahil pag nasa school ay hindi ko sila nakikitang magkahiwalay.
"Ken, pasali naman." sabi ko.
"O Jerome, himala di mo kasama mga girlfriend mo!" biro ni John.
"Oo nga. Akala nga namin di mo na kami papansinin ni John eh." sabi ni Ken.
"Hahaha! Bumili lang sila ng kakainin, eh kesa maghintay bumalik na lang ako dito. Tagal rin kaya natin hindi nagkita."
"Oo nga eh. Tara na, laro tayo."
Habang naglalaro kaming tatlo ay pumasok sa loob ang kaklase naming si Jose. Siya lang naman ang bully sa room kasama rin ang barkada niyang i think nagka-impluwensya sa kanya.
"Ken, John, mag-ingat kayo diyan baka maging bakla kayo pag sinama nyo yan dyan!" sigaw ni Jose pagkita sa amin. Tumawa naman ang mga kasama niya.
"Bakla, Bakla" sigaw nila.
Dahil nga sa maliit ako at walang magawa ay naupo nalang ako at umiyak. Ganito na talaga sila sa akin dati pa. Pero kahit ganon ay nandyan naman si Ate Rose, kasama ang barkada niya, na nagpapatahan sa akin at sinabi ko rin sa kanila na huwag nang ipa-abot ito sa pamilya ko.
"Tumigil na nga kayo diyan. Inggit lang kayo kasi hindi kayo ang pinapansin ng mga babae, ansasama naman kasi ng mga ugali nyo." sigaw ni John.
Agad naman umalis na nakangisi ang mga loko. Pinatahan na lang ako nina Ken at John at nagpatuloy na lang ulit sa paglaro. Sinabihan ko na rin sila na kalimutan na lang namin ang nangyari huwag na ipaalam;
Di nagtagal ay dumating na sina ate Rose dala ang pagkain. Iniwan ko na sina Ken at John at kumain na ng merienda.
Pagkatapos ng recess ay nagpatuloy na ang klase. Ganoon pa rin naman ang ginagawa namin, puro introduction sa sarili sa bawat subject.
Habang nasa classroom ay di talaga mapigilan na magpapansin ang mga bwisit na Jose na yun kasama ang barkada. Alam ko sa tuwing nagtatawan sila ay ako ang pinaguusapan dahil nakatingin sila sa akin tuwing ganoon ang ginagawa nila. Sina Ate Rose naman ay busy rin sa chikahan kasama ang barkada niya. Alam naman niya na hindi ako nakikisama sa usapan nila kaya pinapapabayaan niya na ako kung nasa classroom.
Minsan napapansin ko rin si Louis na pasulyap-sulyap sa akin, at kung mahuli ko man ay ngumingiti lamang.
Hindi naman ako ganun ka-close sa iba kong mga kaklase pero minsan ay nakikipag-usap din. It's either kasama ko sina Ate Rose or sina Ken at John kung walang magawa sa klase. Ngunit pag may lecture ay hindi talaga ako madisturbo dahil nakikinig talaga ako sa guro. Hindi naman ako honor roll ngunit nananatili namang mataas ang grado ko upang manatili sa first section.
Natapos na rin ang unang araw ko sa school at uwian na. Kada uwian ay sinusundo talaga ako ni tito kaya naghihintay lamang ako sa gate ng school. Sina ate Rose naman ang kasama ko sa paghintay dahil sumasakay naman sila ng tricycle kasama ang barkada niya pag-umuwi kaya hindi sagabal sa kanila ang samahan ako sa paghintay. Hindi naman kami naiinip dahil mahilig talaga magpatawa sina Carla at Louis.
Wala naman talagang nag-iba ang takbo ng buhay ko pagkalipas ng mga sumunod na araw. Ganito lamang ang buhay ko bago ako namulat at nalaman kung ano talaga ako. Ngunit pagkalipas ng isang buwan, merong isang tao ang nagmulat sa akin kung ano talaga ako dahil sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng paghanga sa taong ito, and guess what----sa isang lalake.

---Itutuloy---
PS. sorry guys if ganito ang umpisa ko.. Hindi ko kasi alam kung paano ko uumpisahan eh, first time ko nagsulat. Babawi na lang ako sa next post ko, promise. :))
No comments:
Post a Comment